Ang Panalangin ni Ester
12 Labis na nabagabag si Reyna Ester kaya dumulog siya sa Panginoon.
13 Hinubad niya ang kasuotang pangreyna at
nagsuot ng damit panluksa. Sa halip na mamahaling pabango, nagbuhos
siya ng abo at dumi. Nag-anyong kawawa siya at tinakpan ng gusot niyang
buhok ang bawat bahagi ng katawang dati'y inaayos na mabuti.
14 At idinalangin niya sa Panginoong Diyos ng Israel:
"Panginoon ko, tanging ikaw ang Hari namin. Tulungan mo ako sapagkat
ako'y nag-iisa at wala na akong ibang malalapitan pa kundi ikaw lamang.
15 Haharap ako sa napakalaking panganib.
16 Mula pa sa aking pagkabata ay narinig
ko na sa liping kinabibilangan ng aking angkan na ikaw, Panginoon, ang
humirang sa Israel bilang iyong bansa, at ikaw din ang sa panahong iyon
ay pumili sa aming mga magulang upang maging iyong bayan magpakailanman.
Tinupad mo ang lahat ng iyong ipinangako sa kanila.
17 "At ngayon, sapagkat kami'y nagkasala sa inyo, at ipinahintulot mong kami'y mapasakamay ng aming mga kaaway,
18 sapagkat kami'y sumamba sa kanilang mga diyus-diyosan. Marapat lamang na kami'y inyong parusahan, Panginoon.
19 Subalit ngayo'y hindi pa sila nasisiyahan na kami'y gawing mga alipin. Namanata pa sila sa kanilang mga diyus-diyosan
20 na kanilang lilipulin ang mga taong nagpupuri sa iyo, at wawakasan ang kaluwalhatian ng iyong templo at dambana.
21 Nais nilang ang lahat ng bansang
nasasakop nila ay magpuri sa kanilang mga walang kabuluhang
diyus-diyosan, at sumamba sa kanilang hari na isa rin namang taong may
kamatayan.
22 "Panginoon, huwag mong pabayaan na ang
iyong kapangyarihan ay hamakin ng mga dinidiyos nilang ito. Huwag mong
pabayaan na kami'y hamakin ng aming mga kaaway sa aming kasawian. Hayaan
mong sa kanila maganap ang mga masamang balak nilang ito. At una mong
gawin ito sa taong nagbalak ng aming kapahamakan, bilang halimbawa ng
inyong pagpaparusa.
23 "Alalahanin mo kami, Panginoon. Ipadama
mo sa amin ang iyong paglingap sa sandaling ito ng kagipitan. Bigyan mo
ako ng lakas ng loob, Hari ng lahat ng mga dinidiyos at Pinuno ng lahat
ng kapangyarihan sa lupa.
24 Bigyan mo ako ng kakayahang magsalita
sa harap ng leon na si Xerxes, upang maakit ang kanyang puso na mamuhi
sa taong kumakalaban sa amin at sa gayo'y mapahamak siya kasama ng mga
nakikipagsabwatan sa kanya.
25 Iligtas mo kami, Panginoon. Tulungan mo ako sapagkat ako'y nag-iisa at walang ibang malalapitan kundi ikaw lamang.
26 "Ganap mong nababatid ang lahat,
Panginoon. Alam ninyong kinasusuklaman ko ang karangalang ipinagkakaloob
sa akin ng mga Hentil na ito. Kailanma'y hindi ko ninais makipagtalik
sa mga hindi tuling Hentil na ito.
27 Subalit alam rin ninyo na wala akong
magawa. Kinasusuklaman ko ang pagharap sa mga tao na suot ang koronang
ito. Hangga't maaari'y ayaw ko itong isuot. Kinasusuklaman ko ito at
pinandidirihan na parang basahang ginamit ng nirereglang babae.
28 Ako na iyong lingkod ay hindi kailanman
kumain sa hapag ni Haman, hindi ko pinaunlakan ang mga paanyayang
dumalo sa handaan ng hari, at hindi rin ako uminom ng alak na inatang sa
kanilang mga diyus-diyosan.
29 Mula pa noong ako'y dalhin dito
hanggang ngayon, tanging ang pagsamba lamang sa iyo ang nagbibigay
kaaliwan at kaligayahan sa akin, Panginoong Diyos ni Abraham.
30 "O Diyos, halos mawalan na kami ng
pag-asa subalit ikaw ay makapangyarihan. Dinggin mo ang aming panalangin
at iligtas mo kami sa kamay ng aming mga kaaway. At alisin mo po ang
aking takot."
(After praying the Rosary with my family last night, we asked for a Bible message and were directed to this passage. We had this before already so we asked for a new one. It is only after 12 hours that I realized that I share with Esther the same fears and anxiety. I am going to PMS later because Secretary Abad wants to talk to me about my application. "Thank you Lord for speaking to me. I offer you my talk with Julia. I pray for guidance and grace. More thanks to you for shaping me and not tiring at all. Help me that I do not fail you. Mold me so I become who You have planned me to be.")
No comments:
Post a Comment