Monday, September 13, 2010

ganito palang maging nanay

napakasakit ang magdisiplina. kapag kailangang magalit/mamalo/manigaw/manlisik ng mata dahil sa "caught in the act" na ginagawang bawal (o hindi dapat) ng boys, sobrang pagpapanggap ang kailangang gawin. tapang-tapangan. galit-galitan para matuto. pero ang puso, nagdurugo.

"it seems like my heart is being broken into tiny pieces."

hindi naman pwedeng hayaan dahil mas malaking problema kapag lumaki silang mga pasaway.  in fairness kay Bo, minsanan lang mapagsabihan, ayos na. etong si Lee, dinadaan kaming lahat sa pagiging bunso. literal, bibigyan ka niya ng "puppy eyes." *hay*

dios na mahabagin, sina Bo and Lee pa lang ito.

2 comments:

cheryll said...

hahaha! mahirap talagang maging nanay :) super agree ako dito.

BabyPink said...

Naku! Mga aso pa lang ang mga 'yan! I agree, ang hirap maging nanay. Sa mga pamngkin ko pa nga lang, eh. I mean, ayaw mo sa lahat ang pagalitan sila kasi your heart breaks when you see their faces sad, pero kailangan. Aaaww.